Dating Delivery Boy Noon, Milyonaryo Na Ngayon

Tunay na isang kuwento ng pag-asa ang tagumpay ng isang “ampon” at dating delivery boy noon na milyonaryo na ngayon. Salamat sa masarap na r...


Tunay na isang kuwento ng pag-asa ang tagumpay ng isang “ampon” at dating delivery boy noon na milyonaryo na ngayon.

Salamat sa masarap na recipe ng kanyang special skinless longganisa at determinasyon, isa nang inspirasyon ngayon ang kwento ng buhay ni Manny Valencia, ang may-ari ng Joshua’s Meat Products.




Ang Simula


Hindi gaya ng ibang kuwento, medyo maalwan ang buhay nina Manny noong siya ay bata pa lamang. Tubong-Laguna si Manny at fruit vendor ang kanyang ama. Gayunman, nalulong sa sugal ang kanyang ama dahilan upang maubos ang lahat ng kanilang kita at puhunan sa negosyo. Bukod sa pagkalugi, nagkawatak-watak din ang kanilang pamilya.


Dahil sa pangyayaring ito, tila nawalan ng pag-asa si Manny dahil sa ginawa ng kanyang ama. Dito siya nagdesisyong tumira sa kanyang tiyahin sa loob ng sampung taon. Dito rin niya sinuportahan ang kanyang sarili sa pamamagitan ng pagiging part-time delivery boy habang nag-aaral.


Gunita ni Manny, “Medyo nagalit ako pero naintindihan ko din na mas mabuting doon na ako sa tiyahin ko kasi makakapag-aral ako kaysa nandoon kami sa amin. Tinanggap ko na din ang sitwasyon na kailangan namin maghiwa-hiwalay dahil sa hirap ng buhay.”


Ganunpaman, inamin ni Manny na mas naging maayos ang kanyang buhay matapos niyang mapatawad ang kanyang ama. Dito na rin nagsimula ang kanyang swerte.


Ang Pagdating Ng Swerte


Matapos ang 10 taong pamamalagi sa kanyang tiyahin, bumalik sa kanyang pamilya si Manny. Dahil walang trabaho ang ama, siya ang nagsilbing breadwinner ng kanilang pamilya. Kinalaunan, nakapagtrabaho si Manny sa isang kumpanya na nag-i-import ng mga processed meat products. Dito niya natutunan ang paghahanda ng skinless longganisa at iba pa.


Hindi nagtagal, nakapagpatayo si Manny ng sarili niyang kompanya kasama ang kanyang asawa. Itinatag nila ang Joshua’s Meat Products sa Naglarcan, Laguna noong 1933 na na nagsimula lamang sa paggawa ng skinless longganisa. Sa isang kakilalang meat supplier na yumao na nakuha ni Manny ang kanyang secret longganisa recipe.


Ngayon, kilala na ang Joshua’s Meat Products bilang isa sa mga kilalang supplier ng processed meat products hindi lamang sa Laguna kundi sa iba’t iba pang panig ng bansa.


Sikreto Ng Tagumpay


Nang tanungin kung ano ang sikreto ng kanyang tagumpay, ibinahagi ni Manny ang tatlong bagay: una ay ang pananalangin sa Diyos, pagiging tapat sa kapwa at ang pagkakaroon ng palabra de honor.




Dahil sa tatlong sikreto na ito ni Manny, napalago niya ang kanyang negosyo. Ngayon, hindi na lamang skinless longganisa ang kanilang produkto. Meron na rin silang pork bologna, ham, burger patties at tocino premium.


Isa lamang ang kuwento ni Manny sa mga kwento ng tagumpay ng maraming Pilipinong nagsikap, nagtiyaga at nagtiwala sa kanilang kakayahan. Gaya ni Manny, maaari mo ring maabot ang tagumpay sa pamamagitan ng pananalig, pagsisikap at pagtitiyaga. -- DAVE CALPITO

COMMENTS


Name

Adsense,1,AKA Jam,1,AlDub,1,Alisah Bonaobia,2,Alisah Bonaobra,1,ALS Ice Bucket Challenge,1,Angelica Jane Yap,1,Apparition,1,Arron Cadawas,1,Awareness,1,best places to shore dive,1,Bizarre News,1,braces in Liverpool,1,Celebrities,1,China,1,Diving,2,Education,1,Entertainment,4,Global News,1,Google Adsense,1,great walks New Zealand,1,health,4,Heartwarming Story,1,Hong Kong,1,how to make money online,1,Inspiration,1,Inspiring,1,Inspiring Story,1,Invisalign braces in Richmond,1,Invisalign Richmond,1,Katrina Velarde,1,kids' travel accessories,1,lachlan lever,1,Let It Go,1,Lifestyle,2,Local News,1,Malaysia,1,Monique Lualhati,1,Mother Mary,1,Music,2,New Zealand walks,1,News,3,OMG,2,Pastillas,1,Pastillas Girl,1,Pinoy Celebrities Ice Bucket Challenge,1,Relationship,2,Religion,1,Robinsons Mall,1,Rogelio Guevarra,1,Sabang,1,sailing boat,1,sailing with family,1,seven-week-old baby,1,Shocking,1,shore dives,1,shore diving,1,shore diving bonaire,1,Sipadan,1,Sipadan Diving,1,Sipadan Island,1,Television,2,The AlDub Song,1,The Antonio Duo,1,The Voice of the Philippines Season 2,1,The Voice PH Blind Auditions,1,Tips,1,Travel,4,traveling with kids,1,Trending Photos,1,Trending Topic,1,Tv-shows,1,Videos,2,Viral,4,Viral Photo,1,Viral Photos,1,Viral Video,2,Viral Videos,1,Worth It,1,X-Factor Philippines,1,
ltr
item
Laidback Biyahero: Dating Delivery Boy Noon, Milyonaryo Na Ngayon
Dating Delivery Boy Noon, Milyonaryo Na Ngayon
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg1xRpvOiTUpIbgTOluVOdac_ZVkymj68CJIuj6rr_gRmBWLIFuZ_9iKvxAB0hEk2Fa_Jnj-ERGUu6T-72aRi3Mgadnqm4fSBtYbl0UPxHzj7zE7hSjHvyRHb5bEFDx0pb3U0VY_GouPvs/s640/Landscape+Photography+Blog+Title+%25287%2529.png
https://blogger.googleusercontent.com/img/b/R29vZ2xl/AVvXsEg1xRpvOiTUpIbgTOluVOdac_ZVkymj68CJIuj6rr_gRmBWLIFuZ_9iKvxAB0hEk2Fa_Jnj-ERGUu6T-72aRi3Mgadnqm4fSBtYbl0UPxHzj7zE7hSjHvyRHb5bEFDx0pb3U0VY_GouPvs/s72-c/Landscape+Photography+Blog+Title+%25287%2529.png
Laidback Biyahero
https://laidbackbiyahero.blogspot.com/2020/04/dating-delivery-boy-noon-milyonaryo-na.html
https://laidbackbiyahero.blogspot.com/
http://laidbackbiyahero.blogspot.com/
http://laidbackbiyahero.blogspot.com/2020/04/dating-delivery-boy-noon-milyonaryo-na.html
true
5179960760933485079
UTF-8
Loaded All Posts Not found any posts VIEW ALL Readmore Reply Cancel reply Delete By Home PAGES POSTS View All RECOMMENDED FOR YOU LABEL ARCHIVE SEARCH ALL POSTS Not found any post match with your request Back Home Sunday Monday Tuesday Wednesday Thursday Friday Saturday Sun Mon Tue Wed Thu Fri Sat January February March April May June July August September October November December Jan Feb Mar Apr May Jun Jul Aug Sep Oct Nov Dec just now 1 minute ago $$1$$ minutes ago 1 hour ago $$1$$ hours ago Yesterday $$1$$ days ago $$1$$ weeks ago more than 5 weeks ago Followers Follow THIS CONTENT IS PREMIUM Please share to unlock Copy All Code Select All Code All codes were copied to your clipboard Can not copy the codes / texts, please press [CTRL]+[C] (or CMD+C with Mac) to copy